Noong unang beses kong marinig ang ugong ng balita ng muling pagkandidato nila Presidente Gloria Arroyo at former Pres. Erap Estrada, ito lamang ang nasambit ko… “Pu*tootootoot*, hahahaha di nga???”
Eleksyon 2010, ano nga ba ang lagay?
Ilang buwan pa bago mag-eleksyon pero sa tuwituwinang tayo’y magbubukas ng radyo o TV, natural lamang na puro tungkol sa pulitika ang mapapakinggan at mapapanuod natin. Marami sa kanila ang naghahangad ng kapangyarihan at ang ilan naman (sana lang tama ako ah), ay para sa layuning maiahon ang bansa at magbigay ng serbisyong totoo para sa publiko.