Papel+bolpen+luha.

Andaming tao sa mundo, lahat may problema, lahat may pinagdadaanan. Sari-saring pasakit na kung minsan tila sa bigat at laki di na natin alam kung pano pa natin pagkakasyahin sa bulsa natin. “Haaaayy buhay” sabi nga ni manong drayber na abot ang kuwento ng pasakit niya sa buhay sa kanyang pasahero…

Sa mahigit dalawang dekada pa lamang ng pamumuhay ko sa planetang earth, ilang beses nakong kinuyog ng kamalasan at pinagpiyestahan ng problema. Minsan nga sinasabi ko nalang sa sarili ko, “ayos lang yan iska, isipin mo na lang, nung nakaraang buhay mo, isa kang magnanakaw ng itlog sa palengke na pinakulong ng tindera at tumakas na parang sa shawshank redemption. O kaya naman ikaw yung nagsimula ng world war I o pwede ring dati kang pulitiko na laging kumukuha sa kaban ng bayan. kaya ka pinaparusahan ng ganyan sa buhay mo ngayon.” Pero siyempre joke lang yun kasi di naman yata totoo reincarnation.

Minsan hindi maiiwasang magsawa na tayo sa pagiging positibo sa buhay at isiping matatapos din ang lahat ng ito. Minsan nakakasawang iasa na lang kay Bro ang lahat. Minsan nakakasawa na ring magdasal. Ayos lang yun dahil normal lang naman sa isang tao ang bumigay paminsan minsan. Nilikha tayong may likas na kahinaan na nakaupo sa sulok ng ating mga puso. Bato ka kung hindi ka nalulungkot.

Papel+bolpen+luha= pansamantalang ginhawa.

Iiyak mo. Isulat mo kung ano nararamdaman mo. Murahin mo ang put**** i**** mundo na dahilan ng paghihirap mo ngayon. Ilabas mo lahat. Pagkatapos, itago mo ang papel na yun. Alam mo, lahat ng bagay may katapusan. Khit na 1000 taon pa yang iyong paghihirap, matatapos rin yan. Hindi ako Diyos kaya hindi ko maipapangakong matatapos at masusulusyunan ang problema mo. Ang alam kong maaari mong tapusin ay ang pagtatanong at pag-aalala. Mahirap mang gawin pero oras na sinimulan mong tanggapin ang ngayo’y mga leche mong problema, oras na yakapin mo ito at ibulong dito na mas matapang ka sa kanya, oras na bilangin mo ang mga biyayang meron ka ngayon kahit gano pa yun kaliit, unti unting matatanggal ang mga tinik na nakaturok sa puso mo ngayon.

Alam mo ang masaya dito? Pag dumating na ang panahon na iniwan ka na ng problema mo at ang puso mo’y binabalot na ng ligaya, basahin mo ang noo’y hinanakit mo sa mundo na isiniksik mo sa isang papel. Nakakatawa pero matatawa ka talaga. Dahil makikita mo ang IKAW sa nakaraan na minsa’y nawalan ng pag-asa.

“Kung badtrip ka ngayon, mas malaki ang chansa na magiging masaya ka mamaya, o bukas, o sa susunod na bukas. Tama, hindi araw araw pasko, pero hindi rin naman araw araw may bagyo.”

—ALING ISKA :)

Published in: on October 8, 2010 at 1:28 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: http://alingiska.wordpress.com/2010/10/08/papelbolpenluha/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.